Dollar – Pangunahing motibo sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan.
Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.
Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.
Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William Mc Kinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Schurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong 20 Enero 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon.